Wednesday, November 22, 2006

Para sa mga Taong Matitibay ang Sikmura

sa mga taong halang ang bituka este may bakal na bituka, kilalanin natin ang mga myembro ng ukaya explorers.



Name: Iroll
Age: Unknown
Occupation: Tagahuli ng lamok
Theme Song: Fool On A Hill
Power: Limpak limpak na salapi


Errol A. Merquita finished his bachelors degree in UP in Mindanao with a degree of BA in Social Science. He works in one of the NGOs in Tagum City, DAvao Del Norte focusing on health programs.

Yan.

Yan ang sabi nila tungkol kay Iroll.

Sinong sila? Ang Makata: A Journal of Philippine and International Contemporary poets.

Bakit sila may sinabi tungkol kay Iroll? Dahil sya ay isa sa mga contributors ng Makata. Dalawang beses nang nailathala ang mga likha niya. At sa tingin namin, marami pang ibang online (o kahit hindi online) magazines ang magpa- publish ng mga tula nya.

Mahirap talagang paniwalaan na ang taong ito, na bihirang makausap ng mahusay, na puro kalokohan at kabulukan, ay isang manunulat. Pero yun ang totoo. May mga taong hindi mo aakalaing may naitatago palang kakayahan.

Actually, hindi talaga tago ang galing niya sa pagsusulat ng mga tula at mga maikling kwento. Hindi dahil mahilig syang mag story- telling- a- lie, pero dahil kahit noon pa man ay nailalathala na ang kanyang mga obra (o kalokohan, kung tawagin ni nikoy at ice) sa pahayagang pang paaralan noong high school at sa literary folio ng UP (Lilinaon) noong college. Minsan nyang itinago ang tunay niyang katauhan sa pseudonym na bahaghari. Marahil upang hindi pagkaguluhan ng mga fans at pagtaguan ang kanyang mga pinagkautangan.

Bukod sa pagiging isang manunulat (take note, fellow sya ng lahat ng writing workshops sa buong pilipinas. latest nya was held in leyte), si Iroll din ay isang theatre actor, mananayaw at choregrapher. Bahagi sya ng UP Mindanao Teatro Lambigit na naging kampyon ng isang Davao- wide theatre competition noong nasa kolehiyo pa sya. Tilamsik ng Dugo ang pamagat ng dula. Si Abdul Malik sya sa dulang iyon. Si Abdul Malik ay isang muslim na iniwan ang kanyang pamilya upang sumapi sa armadong pakikibaka laban sa pamahalaan. In fairness, effective sya sa role nya at powerful ang kanyang performance.

Dati din syang kasapi ng UP Mindanao Dance Enseble. Folk dance ang specialty nya.

Hindi lang pang paaralan ang galing ng "Model UP alumni" (ichinismis ng kapatid ko sa amin ni aya na nung freshmen orientation nila according to Dr. Evelyn Ayson, head ng OSA ng UP in Mindanao, si Iroll ay halimbawa ng ideal na UP alumni) namin. Nafeature na rin sya sa Philippine Daily Inquirer dahil sa nature ng kanyang job (description.hehe). Eto ang link ng nasabing article: http://www.truthforce.info/index.php?q=node/view/982

Ayon sa write- up na iyon, madalas umano siyang pumunta sa mga baranggay sa liblib na area ng Davao Del Norte na di alintana ang pagod na pag akyat ng bundok at walang humpay na paglalakad papunta sa mga barangay kung saan sya itinalaga at ang panganib ng mga engkwentro ng mga NPA at mga Militar, at ng paminsan- minsang mga pangayaw o tribal wars.

Sabi nga nya dun sa article, hindi daw sapat ang tinatanggap nyang sahod sa hirap ng trabaho nya. Pero ayon din sa kanya, tama na sa kanya na hindi nya kailangang magtrabaho mula 8 hanggang 5, na may kalayaan syang mag- isip, at maging malikhain. Napupunuan daw ng pagtulong sa kapwa ang kakulangan ng kanyang pagkatao.

Yuck. Talagang yuck. Kung akala mong limang libo lang ang tinatanggap nya sa kanyang trabaho kada buwan ay nagkakamali ka. Sa katunayan, si iroll ang palaging maraming pera sa aming grupo. Silent financier nga ang tawag naming sa kanya. Dahil pag short na kami sa pera, sya ang taga dag- dag. Hindi sya nagrereklamo at hindi nagpapabayad! Kasi nga palaging maraming pera! At kung akala nyo ay napakahirap ng trabaho nya, ewan ko nalang. Exaggerated lang yung nasulat tungkol sa kanya. Sya ang malimit na namimilit samin na mag out of town kami dahil halos hindi nagtatrabaho ang “model UP alumni” na ito.

Napakahilig ding magbasa ni Iroll. Mahilig sa folk music (grace nono, joey ayala type) at sa rivermaya si Iroll. Kinakausap nya ang sarili pag walang magawa. Huwag mabahala pag nakita nyong tumatawang mag- isa si Iroll dahil nakikipag biruan lang sya sa sarili nya. Wala kasing ibang papatol sa kacornyhan ng jokes nya kundi sarili nya.

****

photo by ice

No comments: