Sunday, December 31, 2006

this little piggy went to market- year ender part I

Tubing sa santa cruz ang original plan ng grupo pero napadpad kami sa batasan, makilala, davao del sur. dalawang oras na byahe mula sa tubing site, 2.5 to 3 hours mula downtown davao city. ok lang naman yun dahil lagi namang handa ang grupo sa kahit anong klaseng lakaran.

may baon na kaming kanin c/o ice, corned beef at itlog na maalat c/o eyado at lechon paksiw at instant ramen c/o nikoy. fights na sana kaya lang, as much as possible, gusto sana ng grupo na kompleto ang aming pagkain. dapat may gulay at prutas kaya nagstop over muna kami sa digos para mamalengke.

gustong- gusto naming bumibisita sa mga palengke ng mga lugar na pinupuntahan namin. exciting kasi para sa amin ang pagpili ng mga gusto naming bilin, pagtawad sa presyo at ang pagkakataon na makisalamuha kami sa mga tao.

***
noon lang ako nakakita ng ganoon karaming singkamas. talagang hindi namin napigilan ang mga sarili namin, bumili kami ng isang tali (Php 50.00)

gulay, gulay at napakaraming gulay


si ice ang taga market ng grupo. si iroll, nakisali lang sa litrato.


kay manong kami nakabili ng fuji apples na Php 15.00 lang ang isa.


Monday, December 18, 2006

Finding Iroll

NOVEMBER 26- malakas ang ulan nang umagang iyon ngunit hindi kami nagpapigil, pupunta mamemyesta talaga kami kela eyado.

pagdating nga tagum, diretso kami sa bahay nila eyado pero hindi na kami nagtagal doon. inutusan agad kami ng nanay ni eyado na kunin ang mga pagkaing inorder nila sa kanilang mga respective sources.

matapos gawin ang iniutos sa amin, tinext namin si iroll upang malaman kung nasaan sya. bukod kasi sa makikain at maki videoke kela eyado, ang isa pang dahilan sa pag punta namin ng tagum ay upang mabisita ang tindahan ng ice cream ni iroll sa may city hall. nagreply si iroll na nasa tagum daw sya. cool. nag assume kami na nasa ice cream stan sya. pagdating namin, ala sya doon. tinext namin ulit si iroll. ang tagal nyang nagreply. habang naghihintay sa reply nya, nagpicture taking nalang muna kami. kahit umuulan.

***
talagang masama ang panahon nung araw na iyon.
photo by nikoy


mahilig ka ba sa durian?
photo by nikoy


we belong
photo by eyado


sukob 2 (sa payong)
photo by ice


***
dumating na ang hinihintay naming text message galing kay iroll. nasa boarding house daw sya. puntahan daw namin sya doon. fine! may wheels ata ang transporter namin.

papunta sa sasakyan. iroll, humanda ka!
photo by nikoy


pagdating namin sa boarding house ni iroll, wala sya. walang hiya talaga sya. nagtext ako sa kanya na nasa boarding house nya kami. nagreply sya na umalis nalang daw sya dahil hindi namin kinonfirm na pupunta kam. heller! sabi nya puntahan namin sya. ewan namin sa kanya. kela eyado nalang kami pupunta!

***
lumakas nanaman ang ulan nung papunta kami kela iyado.
photo by nikoy


sa bahay nila eyado. mga pamangkin ni eyado.
photo by eyado

***
pumunta rin ang ilan sa mga kaklase ni eyado sa lawschool.

videoke time with roger baay.
photo by nikoy



***
first timers sa tagum ang classmates ni eyado kaya ipinasyal muna namin sila.

energy park
Photo by nikoy


future lawyers of the philippines. minus ice ha.hehe
class picture by nikoy


bumalik kami sa ice cream stand nila iroll dahil nagtext sya na pupunta sya doon around 3- 4 pm. excited naman kaming nagpunta. at expected narin namin na wala sya doon. in fairness to him, masarap naman ang ice cream na binebenta nila. 5 pesos lang pero parang sundae cone ng mcdo ang lasa.





sa wakas, umaraw na!
photo by nikoy

maaga kaming umuwi dahil may trabaho pa kami kinabukasan. bago umuwi, kumain muna si eyado. napagod sa pagtour sa classmates nya.

photo by nikoy