Thursday, May 17, 2007

sagad sa init

baclayon church

sinundo namin si jill (pinsan ni eyado) sa bahay nila. sya ang aming designated tour guide nung araw na iyon. first stop: baclayon church.

we were really looking forward to visiting old churches. mahilig kasi kaming lahat sa old structures/ architecture. our visit to baclayon was a real treat. ok na ok sana kung hindi sobrang dami ng tao. as in bus- bus na mga koreano. may burol na nga sa simbahan e ang gugulo pa nila. nakikipicture pa talaga sila sa may coffin. heller.

anyway, isa sa mga pinaka matatandang simbahan sa pilipinas ang baclayon. sa tabi ng church, may convent at may museum. gusto rin sana naming pumunta sa museum kaya lang sarado.

here are some of the pictures we took:

bell tower. kulang nalang si quasimodo.


madilim talaga sa loob. di kaya ng camera ko.

kasama si jill. ang ganda ng buong structure ng simbahan. di mapigilan na magpapictures sa may arches kahit na may hearse sa tabi.hehe


kami yung nasa grey na kotse (na care of eric.hehe. eric, maraming salamat talaga!)

sobrang init at sobrang dami ng tao. di na kami nagtagal dahil gusto naming makatakas sa kaguluhan.

loboc

syempre naman, nasa bohol kami kaya dapat talagang makakain kami sa floating restaurant.

museo de loboc. nasa may loboc river lang ang museum. pero di nakami pumasok.

medyo malamig- lamig na sa hintayan ng mga bangka. at least, nabawasan ng kaunti ang init ng ulo namin. pero bumalik nanaman ang init nung nakakita kami ng isang bus ulit na mga koreano na dumating sa loboc. sobrang dami nanaman ng tao. hay nako. di talaga maiwasan dahil april nagdadagsaan ang mga turista sa bohol.

280 ang rate per head, inclusive of buffet lunch. ako na ang magsasabing hindi masarap ang pagkain. hindi sulit ang binayad namin sa pagkain. pero sabi nga ni eyado, ang experience ang binabayaran namin. ok fine. in fairness, naaliw ako sa singer/ guitarman ng bangkang sinakyan namin. at napakaganda ng tubig, green na green.



eto ang huling matinong picture ng camera ko. and the cam is history.

walang pictures sa mga simbahang nadaanan namin papunta ng chocolate hills. wala ring pictures sa man made forest dahil nasira ang camera ko sa sobrang init! ok naman ang settings uminit rin ng todo ang ulo ko dahil ang pinakamamahal kong camera ay nasira! nasira! NASIRA!!! wala akong pictures ng tarsiers dahil nag give up ang camera ko sa init!

si jill naman, cool na cool parin. syempre, taga bohol. sanay sa init.hehe. sabi nya ipapahiram nalang muna nya camera nya. cool! natuwa naman kami. pero syempre, problemado parin ako sa camera ko.


chocolate hills

pagdating namin sa lugar, nabigla kami sa sobrang dami ng tao. sa sobrang dami, parang lulubog na yung lugar. ang init pa. napaka init. para kaming iniihaw. pawis na pawis kami. mas lalo pang uminit ang ulo ko dahil ang dami nanamang koreano. ang gulo nila. para silang mga langgam na ini- ispreyan ng insecticide.

ok naman yung lugar. di lang talaga kasing ganda ng inexpect ko. pero si ice at natash, natuwa naman sila. parang hindi lang talaga kompleto ang bisita nila doon dahil walang ebidensya na galing sila sa chocolate hills.

tahimik kaming lahat sa sasakyan papunta sa next destination namin. dahil disappointed sina natash at ice. excited pa naman talaga silang magpapicture sa chocolate hills. ako naman, nanghina dahil nga sa init at sa camera ko. pangalawang araw palang namin sa bohol, wala na kaming camera. marami pa naman kaming pupuntahan. si eyado, pagod sa pagmamaneho. si iroll naman nakatulog sa sobrang init.

Tarsiers

bohol = tarsier kaya talagang dinayo namin ang tarsier park. ang dami nanamang koreano. nakakainis dahil may karatulang nakalagay na SILENCE PLEASE, TURN OFF THE FLASH ON YOUR CAMERA, NO HANDLING OF TARSIERS e sobrang ingay pa nila. nilalamutak nila yung mga tarsier at matapos hawakan, sisigawan pa. kawawa talaga yung tarsiers, pinagtulungan ng mga koreano. ang liwanag pa ng mga flash ng camera nila. parang nananadya. tapos sinabihan na nga sila nung caretaker ng tarsiers na wag maingay, at wag hawakan yung mga kawawang hayop e no effect talaga. dapat sa mga dayuhang ganon e ikulong! hay nako. ewan!

clarin ancestral house

nang nakita ko ang super tandang bahay ng mga clarin (naging senador daw si olegario clarin nung unang panahon.hehe), medyo bumuti ang aking pakiramdam. ang ganda ng bahay. antique ang mga gamit. at higit sa lahat, walang mga koreano.

pasensya na sa mga pictures.

receiving area. chika- chika with the caretaker

sa opisina


wedding attire ng mga clarin. medyo nakakatakot yung pagkakuha ko.hehe

regal shocker.

creepy yung lugar kasi matanda na. pero kung fan kayo ng old houses at antique furnitures katulad namin, siguradong mag eenjoy kayo. nakakaaliw pa yung caretaker. may restaurant/ coffee shop sa basement ng bahay a nagse- serve ng mga kakanin. the best ang sikwate nila! nakaka addict! ok lang naman ang presyo. di aabot ng 100 pesos ang pagkain. pagkatapos ng tour, nagmerienda muna kami. hinatid namin si jill sa bahay nila. pag uwi namin sa bahay, maaga kaming naghapunan at natulog dahil maaga kaming gigising dahil mag ha- hunt kami ng dolphins.hehehe

susunod: sigurado ka bang virgin to?

Thursday, May 3, 2007

Dajon Bojol

Tagbilaran


sinundo kami ng pinsan ni eyado sa port. inikot na nya kami sa tagbilaran bago pumunta ng dauis, kung saan kami tutuloy. iniwan namin ang gamit namin sa bahay ni eyado/ nanay ni eric at inikot ang dauis.

Bohol Plaza Resort and Restaurant

Isa sa mga una naming pinuntahan ay ang Bohol Plaza. may pool. maganda ang view makikita mo ang buong tagbilaran.

evidence na galing kami ng bohol plaza.hehe

di kami nagtagal dahil bibisitahin pa raw namin ang mga relatives ni eyado. 4 years na kasing hindi nakaka uwi sa bohol kaya excited silang makitang muli si eyado.

Paying Respect to the Family

pag- uwi sa bahay ni tita judith (auntie ni eyado), pinahiram ni cousin eric ang sasakyan nya kay eyado. si eyado nalang daw ang bahalang magpasyal samin dahil may trabaho pa sya. hanggang bohol, si eyado parin ang transporter namin.hehe

bago maghasik ng lagim, bumisita muna kami sa bahay ng uncle nya. syempre tuwang- tuwa kami dahil may free merienda.hehe

scheduled ang visits namin. this afternoon, kay uncle A para may libreng merienda, mamayang gabi para may libreng dinner, kay uncle B. bukas ng umaga, kay unlce C para may am snacks. siguradong may free meals kami.

mahirap na talaga pag konti lang ang budget. lahat ng pagtitipid na pwedeng gawin e gagawin.hehe.

A Walk to Remember

pagkatapos magbigay pugay [at maki free load.hehe] sa mga kapamilya nila eyado, naglakad naman kami papunta sa simbahan sa dauis. ang ganda at ang laki! ang ganda ng artworks sa ceiling at ng mga mural. eye candy talaga.






pagkatapos ay dumiretso kami sa cemetery ng dauis. departed relatives naman ni eyado ang binisita namin.

kahit sa sementeryo, picture taking parin!

hindi kilala ni iroll yung nakalibing.

kahit sa libingan, kitang- kita ang division sa pagitan ng mga mahihirap at may kaya. yung mga nitso ng mga may kaya, nakatiles. yung sa mahihirap naman, hindi nililinisan, puro basura.

binary opposition

Villa Alzuhn

sobrang layo ng nilakad namin papunta at pabalik galing sementeryo. pag uwi namin, naligo kami at pumunta sa VILLA ALZHUN, isang resort na minamanage ng auntie ni eyado para mag swim at kumain.




maganda ang lugar. very relaxing. uber sarap ang beef ala pobre! super! wipe out ang food. at higit sa lahat, the best doon dahil may jacuzzi! hehe


first time naming sa jacuzzi. kaya buong gabi kaming nagbabad.hehe

Super Collapse

pag- uwi sa bahay, collapse talaga ang mga beauty namin nila aya at natash.

[si iroll at eyado, nakipag lasingan pa kay eric. oh well, boys will be boys.]

sobrang nag enjoy kami at first day palang namin yun.

susunod: bakit mainit ang ulo ni nikoy?

Wednesday, May 2, 2007

Ukaya Conquers Visayas

B(ohol)- day minus one

dahil 6: 40 ang flight namin for cebu, sa bahay namin natulog si iroll at eyado dahil medyo malapit ang bahay namin sa airport. mas malapit kela ice pero kami ang may spare na kwarto/ bahay kubo sa likod ng bahay kaya samin nalang.

si aya, ang babaeng nagtitipid ay bumili ng ticket two days before our trip. hindi natuloy yung trip nya sa bansalan kaya sabay- sabay nalang kami sa airplane. ang bili nya sa ticket nya ay 2900. kami, 2250 lang.haha.

B- day

Sa Davao City International Airport

maaga kaming hinatid ng nanay ko sa airport dahil sabi ng tatay ko dapat 2 hours before the flight nandoon na kami (kahit 10 mins from the airport lang bahay namin). dahil ayaw naming magalit ang tatay ko, sige nalang.hehe.


davao city international airport- 5:00 am

Ang Ticket Ni Iroll

nung nasa airport na kami, hiningi ko na mga id at ticket para pag hinanap ng mga guard ang mga id at ticket namin, isang bigayan nalang. nasakin na ticket ni eyado at natash (kapatid ko na sumabit samin) kaya id nalang. nung si iroll na hiningan ko, binigyan nya ako ng sobre. sobreng walang laman. sabi ko sa kanya, "ano ngayon gusto mong gawin ko rito?". nagtinginan kaming dalawa ng matagal. tapos bigla nyang sinabi sakin, "nawawala ang ticket ko.". imbis na gulpihin sya, tinulungan nalang namin sya sa paghahanap ng ticket nya.

wala. talagang wala. kung e- ticket ang nabili nya, wala sanang problema. e manual. patay talaga. pumunta sya sa office ng cebu pacific. sabi nila, talagang kailangang hanapin nya ticket nya or dapat bumili sya ng bago tapos pagnakita na nya yung ticket nya, pwede nilang bigyan ng refund si iroll. kaya, binigay nalang nya lahat ng bagahe nya samin, pumara sya ng taxi at lumipad sa bahay namin. mauna nalang daw kami sa pag check- in. hopefully, nasa bahay lang namin yung ticket nya.

si natash at eyado, papasok na sa airport dala ang mga gamit namin

after a few minutes...

tumawag si ice sa cellphone ko, papunta na raw sya sa airport. kinamusta nya kami. sabi namin nakapagcheck- in na kami ng gamit at nasa waiting area na kami. at nawawala ang ticket ni iroll.

napamura ng malakas si ice, "ano ba yang *&#$%ng yan! hindi man lang chineck ang ticket nya!". sabi ko naman, "wala na talaga tayong magagawa sa katangahan ni iroll. magkita nalang tayo sa waiting area. bye."

ang dakilang sabit

Ice's Water

galit na galit si ice nung dumating sya. kinuha raw ng mga taga airport ang tubig nya. pati raw alcohol nya. sayang daw yun. bago pa naman raw yun, hindi pa nabubuksan. muntik ko nang batukan si aya dahil the night before, ulit ako ng ulit sa kanya na bawal ang liquid at gel sa eroplano. hahay. life. kaysa sipain ko sya sa mukha, kinwento nalang namin ang nangyari kay iroll.

Reunited and It Feels So Good

ang pinaka tangang model up alumni ay dumating na. wala raw ang ticket nya sa bahay namin. tinulungan pa sya ng nanay kong maghanap. wala talaga. malamang ay naiwan raw sa boarding house nya sa tagum. kaya bumili nalang daw sya ng bago for the same price at hahanapin nalang nya yung missing ticket para maparefund. nakalimutan pa raw nyang kunin yung sukli nyang 250 dahil sinabihan sya nung tag cebu pacific na bilisan nya dahil malapit nang magboard ang plane.

sa wakas. nagkasama- sama na kaming muli.

Walk Out of the Century

magkatabi ng upuan si ice at iroll. kami naman ni natash at eyado ang magkasama. mga 4- 5 rows away kami. pero ok lang. basta we're still breathing the same air.haha.

nung pagserve ng snack (!)

[fyi lang, c2 nalang ang sineserve sa cebu pacific. dati coke at cheese curls na naging dewberry at c2, ngayon c2 nalang talaga.]

anyway, back to the story.

nung pagserve ng snack (!), biglang nag amoy tocino sa eroplano. pabiro ko pang sinabi kina eyado at natash na baka nagbaon si ice ng pagkain. sabi kasi sakin ni ice hindi raw sya nagbreakfast. tawa naman ang dalawa. biglang may isang lalakeng tumayo mula sa seat nya, kinuha ang gamit nya dun sa cabin tas padabog na sinara yung takip ng cabin at pumunta sa may likod ng eroplano.

humirit nanaman ako kay eyado at kay natash na malamang katabi nila ice at iroll yung mamang umalis. baka nabahuan sa baon ni ice.

pagbaba namin ng eroplano, tinanong ko sila ice at iroll kung nakita nila yung lalakeng lumipat ng upuan. katabi pala talaga nila yun. nagtaka raw sila kung bakit biglang nagwalk- out. muntik na ngang sabihan ni iroll yung lalake na hindi pwedeng pumara dahil nasa eroplano sya.haha. malamang puro kabastosan ang pinag uusapan ng dalawang hunghang o sobrang lakas ng mga boses nila kaya nabwisit yung katabi nila.

isipin nyo nalang kung ano mangyayari sa eroplano kung magkatabi kaming lima. hehehe.

Mactan Airport

para kaming VIP sa mactan airport. sinundo kami ng auntie ni eyado na nagtatrabaho sa office of the airport manager. pagkuha namin ng gamit namin sa conveyor belt, dire- diretso na kami. hindi na kami dumaan pa sa guard, nagbigay ng stub (alam namin bawal yun kaya hindi namin ipopost ang picture ng auntie ni eyado.haha). may short cut kaming dinaanan at hinatid pa nya kami sa sakayan ng taxi. over charging pa yung driver ng taxi.



Sa Pier

diretso kami sa pier. bumili kami ng ticket. 12 nn pa ang earliest trip na nakuha namin. 9 palang noon kaya nagdesisyon kami na 1.) kumain muna, at 2.) makipagkita sa kapatid ni ice na nagtatrabaho sa cebu dahil may ibibigay si ice sa kapatid nya. para wala kaming dala, ichineck- in nalang namin ang gamit namin. bongga, ngayon ko lang nalaman na pwede palang magcheck- in ng gamit sa barko.

Ayala Center- Finding Beauty Bar



sa ayala center kami tumuloy. bakit sa ayala center? dahil gusto kong pumunta ng beauty bar. bibili ako ng make- up.haha.

pagdating sa ayala, namuti ang mga buhok namin sa paghihintay. 10 pa magbubukas ang mall! punyemas! 9:20 andon na kami! para kaming mga batang yagit. walang maupuan kaya tumalungko nalang kami sa gilid- gilid. wala kaming pakialam dahil wala namang may kilala samin dun.

pagbukas ng mall, diretso kami sa food court. syempre nasa cebu kami kaya lechon ang hinanap namin ni iroll at eyado. si ice naman at natash nag pritong manok. haller.

matapos kumain, nahilo kami sa kahahanap ng beauty bar. nung nakita pa namin, yung brand na hinahanap ko na pull- out pala. sa manila nalang daw available. bwiseeeet!