gumising kami ng sobrang aga dahil gusto ni eyado at ni iroll na mag dolphin watching dahil di pa raw sila nakakakita ng dolphins in their natural habita. medyo malaki ang damage, Php 2, 500.00 kasama na tour sa balicasag island. lahat kami di mahilig sa dagat at nalalakihan sa gastos pero what the heck nalang, total minsan lang naman kami sa bohol.
pero may kondisyon, pag wala kaming nakitang dolphins, dapat aliwin kami nina eyado at iroll. mapipilitan silang magdolphin show para sa amin.
pero may kondisyon, pag wala kaming nakitang dolphins, dapat aliwin kami nina eyado at iroll. mapipilitan silang magdolphin show para sa amin.
sa alona kew ang meeting place namin with manong allan (nirefer sya ng auntie ni eyado). at eto ang sinakyan namin:
in fairness, may nakita naman kaming dolphins. pero di kami nakakuha ng matinong litrato kasi naexcite kami. sobrang dami ring mga bangkang may dalang mga turista para mag dolphins. pag may isang grupo ng dolphins, hinahabol ng mga bangka tapos pinapaligiran. naawa tuloy kami sa dolphins. para silang hina- hunt. sana gumawa ng paraan ang DOT ng bohol para macontrol yung number of boats na pwedeng magpa dolphin watch at one time. kasi nabubulabog masyado yung dolphins. baka sa susunod hindi na magpakita.
di na kami nakipag habulan ng matagal sa dolphins kasi naawa talaga kami. pumunta nalang kami sa aming next destination.
balicasag island
balicasag island
eto malupit, picture ni iroll. sino ba talaga subject ng picture na ito? si natash o yung naka 2 piece na caucasian?
maraming souvenirs na tinada sa island. medyo malaki lang ang patong pero may nabili parin kami.
ang balicasag ay isa dive resort na may accommodation na native ang motiff. picture taking ulit para may evidence na talagang galing kami roon.hahaha.
uuwi na sana kami pagkatapos magikot at mag picture taking pero sabi ni manong allan, dapat daw kaming mapunta ng virgin island. sa napaka reasonable price na 500 pesos. damage nanaman. medyo nadedeplete na funds namin. pero sabi ni manong allan, sobrang ganda raw nung island. nagtinginan kami, lahat kami di mahilig sa dagat pero what the heck, baka di na kami makabalik ng bohol.
at dahil hindi kami masyadong naentertain sa igsi ng dolphin show, inaliw kami ng ukaya boys.
cam whoring kahit nahihirapan.
anong meron sa virgin island? virgins. hehe. kami lang ang virgins doon.
maganda ba ang lugar? sa malayo pero pag nasa island kana, makikita mo ang sobrang daming basura na iniwan ng mga taon galing doon. hindi na nga virgin, sobrang dami pa ng std nya. nalulungkot lang kami pag nakakapunta ng mga ganitong lugar. dapat inaalagaan to, hindi binababoy.