Thursday, November 23, 2006

GAMOT SA INIP

kung kami ang papipiliin, talagang gusto naming makapag out of town bago matapos ang taon. pero dahil hindi available si iyado, dahil sa walang katapusan niyang mga babasahin at mga exams, ay hindi kami matuloy- tuloy. kung iisipin, pwedeng- pwede kaming umalis na kami lang tatlo ni ice at iroll ang magkakasama pero ayaw namin ng kulang kami. apat na nga lang kami, mag kakanya- kanya pa kami.
kaya ayun, ala kaming lakad until april or may of 2007. ang tagal pa! pero hindi namin pababayaang mainip kami. kahit within davao city lang ay pag titiisan nalang namin.

nung sabado (nov 11), kumain kami ng katakot- takot na durian sa DURIAN PARK, nagvideoke kami hanggang magkaubusan kami ng mga boses sa GIMIK BARKADA (oo, medyo baduy ang pangalan.hehe) pagkatapos ay kumain ng barbecue chicken sa PENONG'S. ang saya talaga! mas masaya sila ice, iroll at iyado dahil 50% nang gastusin ay si nikoy ang nagbayad.


*****

pag nagvivideoke kami, lumalabas ang mga hidden personalities ng mga kagrupo ko.


si iroll, lumalabas ang pagiging feeling balladeer. eto sya, habang kumakanta ng NAKAPAGTATAKA ng APO HIKING SOCIETY.


*****

eto si eyado na kumakanta ng THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU PARE ng paborito kong; banda ang PAROKY NI EDGAR. medyo nahahalata ang kanyang feminine side.hehe.

*****

si aya naman, kanya lang ang videoke book. sya lang ang may karapatang humawak nito.hehe

*****
Photo by nikoy. using her very low tech camera phone.hehe

No comments: