Wednesday, November 29, 2006

nikoy and iroll's joint bday party

natuloy na rin sa wakas ang plano naming magpamerienda sa isang home for the aged! ang saya namin! sobra.

ang plano kasi namin maggro- grocery sina nikoy at ice nang byernes tapos matutulog si ice sa bahay nila nikoy. pero dahil sa uncontrolled circumstance; bumisita ng davao ang auntie ni nikoy nung friday at kailangang ipasyal dahil uuwi na sya ulit ng maynila ng sabado, ay kinailangan naming ibahin ang plano. mamamalengke nalang si nikoy at ice the morning before the event. pero kinailangan nanaman naming ibahin ang plano dahil may mga aasikasuhin si ice na bills ng ate nya.

ang ending, si nikoy at ang nanay nya ang namalengke. hindi na bumili ng pang sandwich si nikoy dahil nashort na sa budget. jelly rolls nalang ang binili. humabol nalang si ice sa bahay nila nikoy para tumulong sa paghahanda ng mga sangkap ng pancit.

ang mga lalake dumating sa bahay nila nikoy ng mga 2. syempre tapos na ang pagluluto. tumulong nalang sila sa pag pack ng pagkain at mga gamit.

***
eto si aya, kina career ang pagbabad ng bihon.
photo by nikoy

taste test
photo by nikoy

ang mga lalake ang in charge sa pag pack individually ng mga kobyertos. bago ilagay sa plastic, binalutan muna nila ng tissue. para siguradong dumikit ang tissue sa plastic spoon, eto ang ginawa ni iroll:
photo by nikoy


sinisipon si iyado kaya nakigamit muna ng tissue. syempre, para hindi sayang, gagamitin ulit sa spoon and fork.
photo by nikoy

talagang malala na sipon ni iyado. eto kumati ilong.
photo by nikoy

No comments: