"the bluest sky is infinitely high and crystal clear"
gentatsu takatsuki
rorouni kenshin ova
(wala itong koneksyon sa kwento kung paanong nabuo ang ukaya explorers)
paano nga bang nagkakilala ang apat na halimaw? ganito yan. si nikoy, eyado at iroll, ay nag aral sa isang state u somewhere in the boondoks of mintal (o sige na nga! sa up mindanao kami nagtapos). magkakilala na silang tatlo pero hindi nagpapansinan. nang isang araw, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, naging close si nikoy at eyado.
lumipas ang tatlong taon, nauntog ang ulo ni nikoy sa kung saan at nag desisyong mag masters sa usp. may nakatabi syang isang babaeng kulot na pinipilit iunat ang kanyang buhot (ice ang pangalan). nainggit si ice sa pencil case ni nikoy at yun na. naging magkaibigan sila.
naging kaklase ni nikoy at aya si iroll sa isang asignatura (naubo ako sa lalim) sa usp. dahil nag- aral sa isang unibersidad si nikoy at iroll, feeling close kagad sila. ipinakilala ni nikoy si ice kay iroll. nagclick kagad silang dalawa. doon nagsimula ang love- hate relationship ni ice at iroll.
nalaman ni eyado na magkaklase si nikoy at iroll sa grad school. naimbitahan sa isang salu- salo si eyado kasama ang mga kaklase nina nikoy at ice. nagkita sila ni iroll. syempre feeling close kagad sila dahil galing sila sa iisang college. si ice naman ay feeling close talaga sa lahat ng tao kaya naging magkaibigan kagad sila ni eyado.
nagkakwentuhan ang apat.
lakwatsero si eyado. may lahing organizer si nikoy. mahilig umakyat si ice. unggoy si iroll.
nabuo ang grupo.
*****
photo by iroll
1 comment:
kagandang simula:)
Post a Comment