Wednesday, May 2, 2007

Ukaya Conquers Visayas

B(ohol)- day minus one

dahil 6: 40 ang flight namin for cebu, sa bahay namin natulog si iroll at eyado dahil medyo malapit ang bahay namin sa airport. mas malapit kela ice pero kami ang may spare na kwarto/ bahay kubo sa likod ng bahay kaya samin nalang.

si aya, ang babaeng nagtitipid ay bumili ng ticket two days before our trip. hindi natuloy yung trip nya sa bansalan kaya sabay- sabay nalang kami sa airplane. ang bili nya sa ticket nya ay 2900. kami, 2250 lang.haha.

B- day

Sa Davao City International Airport

maaga kaming hinatid ng nanay ko sa airport dahil sabi ng tatay ko dapat 2 hours before the flight nandoon na kami (kahit 10 mins from the airport lang bahay namin). dahil ayaw naming magalit ang tatay ko, sige nalang.hehe.


davao city international airport- 5:00 am

Ang Ticket Ni Iroll

nung nasa airport na kami, hiningi ko na mga id at ticket para pag hinanap ng mga guard ang mga id at ticket namin, isang bigayan nalang. nasakin na ticket ni eyado at natash (kapatid ko na sumabit samin) kaya id nalang. nung si iroll na hiningan ko, binigyan nya ako ng sobre. sobreng walang laman. sabi ko sa kanya, "ano ngayon gusto mong gawin ko rito?". nagtinginan kaming dalawa ng matagal. tapos bigla nyang sinabi sakin, "nawawala ang ticket ko.". imbis na gulpihin sya, tinulungan nalang namin sya sa paghahanap ng ticket nya.

wala. talagang wala. kung e- ticket ang nabili nya, wala sanang problema. e manual. patay talaga. pumunta sya sa office ng cebu pacific. sabi nila, talagang kailangang hanapin nya ticket nya or dapat bumili sya ng bago tapos pagnakita na nya yung ticket nya, pwede nilang bigyan ng refund si iroll. kaya, binigay nalang nya lahat ng bagahe nya samin, pumara sya ng taxi at lumipad sa bahay namin. mauna nalang daw kami sa pag check- in. hopefully, nasa bahay lang namin yung ticket nya.

si natash at eyado, papasok na sa airport dala ang mga gamit namin

after a few minutes...

tumawag si ice sa cellphone ko, papunta na raw sya sa airport. kinamusta nya kami. sabi namin nakapagcheck- in na kami ng gamit at nasa waiting area na kami. at nawawala ang ticket ni iroll.

napamura ng malakas si ice, "ano ba yang *&#$%ng yan! hindi man lang chineck ang ticket nya!". sabi ko naman, "wala na talaga tayong magagawa sa katangahan ni iroll. magkita nalang tayo sa waiting area. bye."

ang dakilang sabit

Ice's Water

galit na galit si ice nung dumating sya. kinuha raw ng mga taga airport ang tubig nya. pati raw alcohol nya. sayang daw yun. bago pa naman raw yun, hindi pa nabubuksan. muntik ko nang batukan si aya dahil the night before, ulit ako ng ulit sa kanya na bawal ang liquid at gel sa eroplano. hahay. life. kaysa sipain ko sya sa mukha, kinwento nalang namin ang nangyari kay iroll.

Reunited and It Feels So Good

ang pinaka tangang model up alumni ay dumating na. wala raw ang ticket nya sa bahay namin. tinulungan pa sya ng nanay kong maghanap. wala talaga. malamang ay naiwan raw sa boarding house nya sa tagum. kaya bumili nalang daw sya ng bago for the same price at hahanapin nalang nya yung missing ticket para maparefund. nakalimutan pa raw nyang kunin yung sukli nyang 250 dahil sinabihan sya nung tag cebu pacific na bilisan nya dahil malapit nang magboard ang plane.

sa wakas. nagkasama- sama na kaming muli.

Walk Out of the Century

magkatabi ng upuan si ice at iroll. kami naman ni natash at eyado ang magkasama. mga 4- 5 rows away kami. pero ok lang. basta we're still breathing the same air.haha.

nung pagserve ng snack (!)

[fyi lang, c2 nalang ang sineserve sa cebu pacific. dati coke at cheese curls na naging dewberry at c2, ngayon c2 nalang talaga.]

anyway, back to the story.

nung pagserve ng snack (!), biglang nag amoy tocino sa eroplano. pabiro ko pang sinabi kina eyado at natash na baka nagbaon si ice ng pagkain. sabi kasi sakin ni ice hindi raw sya nagbreakfast. tawa naman ang dalawa. biglang may isang lalakeng tumayo mula sa seat nya, kinuha ang gamit nya dun sa cabin tas padabog na sinara yung takip ng cabin at pumunta sa may likod ng eroplano.

humirit nanaman ako kay eyado at kay natash na malamang katabi nila ice at iroll yung mamang umalis. baka nabahuan sa baon ni ice.

pagbaba namin ng eroplano, tinanong ko sila ice at iroll kung nakita nila yung lalakeng lumipat ng upuan. katabi pala talaga nila yun. nagtaka raw sila kung bakit biglang nagwalk- out. muntik na ngang sabihan ni iroll yung lalake na hindi pwedeng pumara dahil nasa eroplano sya.haha. malamang puro kabastosan ang pinag uusapan ng dalawang hunghang o sobrang lakas ng mga boses nila kaya nabwisit yung katabi nila.

isipin nyo nalang kung ano mangyayari sa eroplano kung magkatabi kaming lima. hehehe.

Mactan Airport

para kaming VIP sa mactan airport. sinundo kami ng auntie ni eyado na nagtatrabaho sa office of the airport manager. pagkuha namin ng gamit namin sa conveyor belt, dire- diretso na kami. hindi na kami dumaan pa sa guard, nagbigay ng stub (alam namin bawal yun kaya hindi namin ipopost ang picture ng auntie ni eyado.haha). may short cut kaming dinaanan at hinatid pa nya kami sa sakayan ng taxi. over charging pa yung driver ng taxi.



Sa Pier

diretso kami sa pier. bumili kami ng ticket. 12 nn pa ang earliest trip na nakuha namin. 9 palang noon kaya nagdesisyon kami na 1.) kumain muna, at 2.) makipagkita sa kapatid ni ice na nagtatrabaho sa cebu dahil may ibibigay si ice sa kapatid nya. para wala kaming dala, ichineck- in nalang namin ang gamit namin. bongga, ngayon ko lang nalaman na pwede palang magcheck- in ng gamit sa barko.

Ayala Center- Finding Beauty Bar



sa ayala center kami tumuloy. bakit sa ayala center? dahil gusto kong pumunta ng beauty bar. bibili ako ng make- up.haha.

pagdating sa ayala, namuti ang mga buhok namin sa paghihintay. 10 pa magbubukas ang mall! punyemas! 9:20 andon na kami! para kaming mga batang yagit. walang maupuan kaya tumalungko nalang kami sa gilid- gilid. wala kaming pakialam dahil wala namang may kilala samin dun.

pagbukas ng mall, diretso kami sa food court. syempre nasa cebu kami kaya lechon ang hinanap namin ni iroll at eyado. si ice naman at natash nag pritong manok. haller.

matapos kumain, nahilo kami sa kahahanap ng beauty bar. nung nakita pa namin, yung brand na hinahanap ko na pull- out pala. sa manila nalang daw available. bwiseeeet!

7 comments:

Anonymous said...

wow! ukaya diary ang drama..hehe! nagstart na talaga si niki sa kwentong bohol....wehehehe!

Anonymous said...

hehe! natawa ako sa walk out of the century..nagdrama lang talaga ang taong katabi namin nongpanahon na yon, kasi kung naingayan sya sa amin, sobrang late reaction sya..inisip pa niya na maingay kami..haha! at fyi ha, nakadala sya ng water, same nong water na dala ko na pinaiwan sa airport., 1 liter na mineral water. astig ang taog yon!whew!

Anonymous said...

ayos ah, na entertain ako habang nag babasa, parang nasa comedy bar, hehehehehe....

Anonymous said...

Katuwa naman ang kwento ninyo. Papunta pa lang ang dami nang nangyari hehehe.

Aaabangan ko yan chronicles nyo sa Bohol!

Yesha Gee said...

Shit! na-enjoy ko. Pastilan, mas nalingaw ko sa 'adbentyors' ninyo.

Anyway, asa jud diay ang ticket ni iroll naadto? =p

Anonymous said...

hala si iroll, scatterbrain pa rin? bwahahaha

Ukaya Explorer Nikoy said...

lino and ferdz, salamat sa pagbasa nyo. medyo mahaba- haba panaman yung nasulat ko.haha

hello simple and chikadee.

ay guess what. nawala jud ang ticket ni iroll. kataw anan kaayo sya kay naghinambog pajud sya kay eyado na naa na daw iyang ticket. gipakita niya ang envelope. wala diay sulod. sayang kaayo to ba. 2300 pud to. tsk tsk. salamat sa pagbasa.