Monday, July 2, 2007

VIRGIN hunting?

gumising kami ng sobrang aga dahil gusto ni eyado at ni iroll na mag dolphin watching dahil di pa raw sila nakakakita ng dolphins in their natural habita. medyo malaki ang damage, Php 2, 500.00 kasama na tour sa balicasag island. lahat kami di mahilig sa dagat at nalalakihan sa gastos pero what the heck nalang, total minsan lang naman kami sa bohol.

pero may kondisyon, pag wala kaming nakitang dolphins, dapat aliwin kami nina eyado at iroll. mapipilitan silang magdolphin show para sa amin.


sa alona kew ang meeting place namin with manong allan (nirefer sya ng auntie ni eyado). at eto ang sinakyan namin:

joke lang. eto kami with maong allan and his co captain:


in fairness, may nakita naman kaming dolphins. pero di kami nakakuha ng matinong litrato kasi naexcite kami. sobrang dami ring mga bangkang may dalang mga turista para mag dolphins. pag may isang grupo ng dolphins, hinahabol ng mga bangka tapos pinapaligiran. naawa tuloy kami sa dolphins. para silang hina- hunt. sana gumawa ng paraan ang DOT ng bohol para macontrol yung number of boats na pwedeng magpa dolphin watch at one time. kasi nabubulabog masyado yung dolphins. baka sa susunod hindi na magpakita.


di na kami nakipag habulan ng matagal sa dolphins kasi naawa talaga kami. pumunta nalang kami sa aming next destination.

balicasag island


syempre, picture- picture muna.


eto malupit, picture ni iroll. sino ba talaga subject ng picture na ito? si natash o yung naka 2 piece na caucasian?


maraming souvenirs na tinada sa island. medyo malaki lang ang patong pero may nabili parin kami.

ang balicasag ay isa dive resort na may accommodation na native ang motiff. picture taking ulit para may evidence na talagang galing kami roon.hahaha.


model modelan



uuwi na sana kami pagkatapos magikot at mag picture taking pero sabi ni manong allan, dapat daw kaming mapunta ng virgin island. sa napaka reasonable price na 500 pesos. damage nanaman. medyo nadedeplete na funds namin. pero sabi ni manong allan, sobrang ganda raw nung island. nagtinginan kami, lahat kami di mahilig sa dagat pero what the heck, baka di na kami makabalik ng bohol.

at dahil hindi kami masyadong naentertain sa igsi ng dolphin show, inaliw kami ng ukaya boys.


cam whoring kahit nahihirapan.


special lechon

virgin island


sand bar

mga gutom na aso.hehe

hugas plato gang.




anong meron sa virgin island? virgins. hehe. kami lang ang virgins doon.

maganda ba ang lugar? sa malayo pero pag nasa island kana, makikita mo ang sobrang daming basura na iniwan ng mga taon galing doon. hindi na nga virgin, sobrang dami pa ng std nya. nalulungkot lang kami pag nakakapunta ng mga ganitong lugar. dapat inaalagaan to, hindi binababoy.

eto pa isang malupit. private pala yung lugar na pinuntahan namin. wahaha!

susunod: ang hidden side ni eyado

15 comments:

Anonymous said...

uy, seryoso ako, pahingi naman listahan ng mga pinuntahan nyo sa bohol, pupunta kse kme dito next year....
pwedeng pa email sa lino_almuenda@abs.pinoycentral.com

thanks... :)

Anonymous said...

nakarating na rin ako dyan

balicasag island has resort managed by the DOT

medyo mahal

malapit dyan yung pamilacan island

when we went whale watching wala kami nakita naging wave watching lang

meron lighthouse dyan sa island :)

Anonymous said...

Shocks! Grabe jud kaau ang getaway ninyo bah. If naa pay nag exist na MORE than jealousy, mao na to ako na feel karon. *joke*

Kidding aside, lingaw kaayo mo na group bah. Pastilan! hantud inum ug hubog-buhog ra man gud ang nahibal-an sakong ka-group oi. hehehe

Super super amazing kaau ang mga 'IKOH' sa dolphins. hahaha

Anonymous said...

ay oi! typo error...

*hubog-buhog is hubog-hubog
*IKOH is IKOG

~pasensya na po! =p

Ukaya Explorer Nikoy said...

hi lino. sure. email ko lang sayo.hehe.

hello tutubi. thank you sa pagvisit. haha. wave watching ha.hehe. di nga rin ako nagenjoy sa dophin watching/ chasing e.hehe. oo nga e. merong light house. di na namin pinuntahan.hehehee

hi yesa! ay sus. grabe among wara- wara didto. hay ikog lang jud ang nakuha sa among cam.hehe. thank you sa pag agi.

Errol - Fox Ninja said...

Thank you thank you sa nag-agi.. grabeh memory nimo niki uy. next getaway Niki.

Next getAway ni Niki sa El Nido raw.. Sino ang gustong sumama? Wehehehe

Anonymous said...

Hahaha! Aliw talaga pag kwento mo. 2500 mukhang suit naman. Yang Balicasag di ko pa napuntahan kay kung babalik ako ng Bohol, unahin ko yang mga islands dyan. Ganda ng 2nd pic!

Anonymous said...

did u see the lighthouse? :)

will link you up later

Anonymous said...

hey guys!!

maraming maraming salamat sa pag-link sa mindanaobloggers.com :)

i hope you guys can attend the 1st mindanao bloggers summit (www.mindanaobloggers.com) this october!

kegler747 said...

Hello. I love your blog at yung mga pix. Mukhang makukulit kyo. hehehe :) I will link you up sa aking Favorite Travel Blogs. Feel free to visit my travel blog and include me in your blogroll if you want.

Happy traveling!

Anonymous said...

hello! unforgettable talaga ang byahe namin to bohol- kasi pagdating na pagdating pa lang namin sa bohol, go agad sa malapit na mapuntahan.. at nakalista na ang aming itenerary..wehehe.. pag uwi ng bahay ,,as in flat ..patay na talaga..and go na naman the next day..there are more posts to come..3 or 4 dat story pa lang yan, may susunod pa about the bohol trip.

salmat sa pagbisita. we are happy na may napapadaan din pala dito.

Anonymous said...

si ukayaexplorer ice po pla ito. hehe..nakalimutan ko name ko.salamat sa pagbisita.

Ukaya Explorer Nikoy said...

hello everyone!

ferdz, salamat naman at nagenjoy ka sa pagbasa. punta kang balicasag. maganda naman dun. mas ok kung diver ka, mas mageenjoy ka. may fish sanctuary rin dun.

tutubi, yup we saw it- from a far.hehe. thank you.

blogie, sure. kitakits nalang sa oct.hehe

kelger, yes, we will include your blog in our blog links. ok nga blog mo e. talagang pang travel.hehe.

thank you sa mga bumisita!

travelphilippines said...

hi there. nice blog buti nalang napadaan ako dito. keep it up. and care to exchange link?

Anonymous said...

any additional trip in this group?
i am looking forward.