Friday, October 5, 2012

jolibee

as much as i would like to write something about our visit to bohol bee farm, i'm afraid writing about what happened six years ago wouldn't give justice to how much we enjoyed the place. i can't give any details anymore. i think this is a sign of ageing. hahaha

good thing we took pictures!







Thursday, December 24, 2009

ang pagbabalik

agosto 2009- umuwi si aya sa lupang sinilangan. nakipagkita sa mga myembro ng ukaya at nagkalat ng kalokohan. sumusunod ang mga ebidensya.

party with ukaya:



nag nature trip:



naningil ng atraso:

nagpa- cute:


nakigulo sa parokya:




hanggang sa susunod na taon. iintayin ka namin ulit ice. maligayang pasko.

Monday, February 23, 2009

Saturday, March 29, 2008

ANNOUNCEMENT

FRIENDS, ROMANS, COUNTRYMEN, LEND ME YOUR EARS!

ANG ATING TRANSPORTER NA SI EYADO AY ISA NANG ABOGADO!

kung sinong gustong magpanotaryo dyan, o magpa process ng mga papel, pakicontact lang kami. negotiable ang presyo.hahahaha!

Tuesday, December 18, 2007

we're alive!

taliwas sa paniniwala ng marami, buhay pa po kami.

marami lang nagbago sa mga buhay namin: si ice ay nasa ibang bansa na, si eyado ay kakatapos lang sa bar exam at ngayon ay isa nang ganap na construction worker, si iroll ay naghahanap ng bagong trabaho dahil hindi na nya malaman kung panong gagastosin ang pagkalaki- laki nyang sweldo, at si nikoy naman ay isang abang guro sa isang college dito sa davao city, hindi alam kung anong gustong gawin sa buhay. hahay.

pansamantala muna kaming mawawala. aayusin muna namin ang mga buhay namin at mag iipon muna kami ng maraming salapi para sa aming next tour.haha.

Monday, July 2, 2007

VIRGIN hunting?

gumising kami ng sobrang aga dahil gusto ni eyado at ni iroll na mag dolphin watching dahil di pa raw sila nakakakita ng dolphins in their natural habita. medyo malaki ang damage, Php 2, 500.00 kasama na tour sa balicasag island. lahat kami di mahilig sa dagat at nalalakihan sa gastos pero what the heck nalang, total minsan lang naman kami sa bohol.

pero may kondisyon, pag wala kaming nakitang dolphins, dapat aliwin kami nina eyado at iroll. mapipilitan silang magdolphin show para sa amin.


sa alona kew ang meeting place namin with manong allan (nirefer sya ng auntie ni eyado). at eto ang sinakyan namin:

joke lang. eto kami with maong allan and his co captain:


in fairness, may nakita naman kaming dolphins. pero di kami nakakuha ng matinong litrato kasi naexcite kami. sobrang dami ring mga bangkang may dalang mga turista para mag dolphins. pag may isang grupo ng dolphins, hinahabol ng mga bangka tapos pinapaligiran. naawa tuloy kami sa dolphins. para silang hina- hunt. sana gumawa ng paraan ang DOT ng bohol para macontrol yung number of boats na pwedeng magpa dolphin watch at one time. kasi nabubulabog masyado yung dolphins. baka sa susunod hindi na magpakita.


di na kami nakipag habulan ng matagal sa dolphins kasi naawa talaga kami. pumunta nalang kami sa aming next destination.

balicasag island


syempre, picture- picture muna.


eto malupit, picture ni iroll. sino ba talaga subject ng picture na ito? si natash o yung naka 2 piece na caucasian?


maraming souvenirs na tinada sa island. medyo malaki lang ang patong pero may nabili parin kami.

ang balicasag ay isa dive resort na may accommodation na native ang motiff. picture taking ulit para may evidence na talagang galing kami roon.hahaha.


model modelan



uuwi na sana kami pagkatapos magikot at mag picture taking pero sabi ni manong allan, dapat daw kaming mapunta ng virgin island. sa napaka reasonable price na 500 pesos. damage nanaman. medyo nadedeplete na funds namin. pero sabi ni manong allan, sobrang ganda raw nung island. nagtinginan kami, lahat kami di mahilig sa dagat pero what the heck, baka di na kami makabalik ng bohol.

at dahil hindi kami masyadong naentertain sa igsi ng dolphin show, inaliw kami ng ukaya boys.


cam whoring kahit nahihirapan.


special lechon

virgin island


sand bar

mga gutom na aso.hehe

hugas plato gang.




anong meron sa virgin island? virgins. hehe. kami lang ang virgins doon.

maganda ba ang lugar? sa malayo pero pag nasa island kana, makikita mo ang sobrang daming basura na iniwan ng mga taon galing doon. hindi na nga virgin, sobrang dami pa ng std nya. nalulungkot lang kami pag nakakapunta ng mga ganitong lugar. dapat inaalagaan to, hindi binababoy.

eto pa isang malupit. private pala yung lugar na pinuntahan namin. wahaha!

susunod: ang hidden side ni eyado

Thursday, May 17, 2007

sagad sa init

baclayon church

sinundo namin si jill (pinsan ni eyado) sa bahay nila. sya ang aming designated tour guide nung araw na iyon. first stop: baclayon church.

we were really looking forward to visiting old churches. mahilig kasi kaming lahat sa old structures/ architecture. our visit to baclayon was a real treat. ok na ok sana kung hindi sobrang dami ng tao. as in bus- bus na mga koreano. may burol na nga sa simbahan e ang gugulo pa nila. nakikipicture pa talaga sila sa may coffin. heller.

anyway, isa sa mga pinaka matatandang simbahan sa pilipinas ang baclayon. sa tabi ng church, may convent at may museum. gusto rin sana naming pumunta sa museum kaya lang sarado.

here are some of the pictures we took:

bell tower. kulang nalang si quasimodo.


madilim talaga sa loob. di kaya ng camera ko.

kasama si jill. ang ganda ng buong structure ng simbahan. di mapigilan na magpapictures sa may arches kahit na may hearse sa tabi.hehe


kami yung nasa grey na kotse (na care of eric.hehe. eric, maraming salamat talaga!)

sobrang init at sobrang dami ng tao. di na kami nagtagal dahil gusto naming makatakas sa kaguluhan.

loboc

syempre naman, nasa bohol kami kaya dapat talagang makakain kami sa floating restaurant.

museo de loboc. nasa may loboc river lang ang museum. pero di nakami pumasok.

medyo malamig- lamig na sa hintayan ng mga bangka. at least, nabawasan ng kaunti ang init ng ulo namin. pero bumalik nanaman ang init nung nakakita kami ng isang bus ulit na mga koreano na dumating sa loboc. sobrang dami nanaman ng tao. hay nako. di talaga maiwasan dahil april nagdadagsaan ang mga turista sa bohol.

280 ang rate per head, inclusive of buffet lunch. ako na ang magsasabing hindi masarap ang pagkain. hindi sulit ang binayad namin sa pagkain. pero sabi nga ni eyado, ang experience ang binabayaran namin. ok fine. in fairness, naaliw ako sa singer/ guitarman ng bangkang sinakyan namin. at napakaganda ng tubig, green na green.



eto ang huling matinong picture ng camera ko. and the cam is history.

walang pictures sa mga simbahang nadaanan namin papunta ng chocolate hills. wala ring pictures sa man made forest dahil nasira ang camera ko sa sobrang init! ok naman ang settings uminit rin ng todo ang ulo ko dahil ang pinakamamahal kong camera ay nasira! nasira! NASIRA!!! wala akong pictures ng tarsiers dahil nag give up ang camera ko sa init!

si jill naman, cool na cool parin. syempre, taga bohol. sanay sa init.hehe. sabi nya ipapahiram nalang muna nya camera nya. cool! natuwa naman kami. pero syempre, problemado parin ako sa camera ko.


chocolate hills

pagdating namin sa lugar, nabigla kami sa sobrang dami ng tao. sa sobrang dami, parang lulubog na yung lugar. ang init pa. napaka init. para kaming iniihaw. pawis na pawis kami. mas lalo pang uminit ang ulo ko dahil ang dami nanamang koreano. ang gulo nila. para silang mga langgam na ini- ispreyan ng insecticide.

ok naman yung lugar. di lang talaga kasing ganda ng inexpect ko. pero si ice at natash, natuwa naman sila. parang hindi lang talaga kompleto ang bisita nila doon dahil walang ebidensya na galing sila sa chocolate hills.

tahimik kaming lahat sa sasakyan papunta sa next destination namin. dahil disappointed sina natash at ice. excited pa naman talaga silang magpapicture sa chocolate hills. ako naman, nanghina dahil nga sa init at sa camera ko. pangalawang araw palang namin sa bohol, wala na kaming camera. marami pa naman kaming pupuntahan. si eyado, pagod sa pagmamaneho. si iroll naman nakatulog sa sobrang init.

Tarsiers

bohol = tarsier kaya talagang dinayo namin ang tarsier park. ang dami nanamang koreano. nakakainis dahil may karatulang nakalagay na SILENCE PLEASE, TURN OFF THE FLASH ON YOUR CAMERA, NO HANDLING OF TARSIERS e sobrang ingay pa nila. nilalamutak nila yung mga tarsier at matapos hawakan, sisigawan pa. kawawa talaga yung tarsiers, pinagtulungan ng mga koreano. ang liwanag pa ng mga flash ng camera nila. parang nananadya. tapos sinabihan na nga sila nung caretaker ng tarsiers na wag maingay, at wag hawakan yung mga kawawang hayop e no effect talaga. dapat sa mga dayuhang ganon e ikulong! hay nako. ewan!

clarin ancestral house

nang nakita ko ang super tandang bahay ng mga clarin (naging senador daw si olegario clarin nung unang panahon.hehe), medyo bumuti ang aking pakiramdam. ang ganda ng bahay. antique ang mga gamit. at higit sa lahat, walang mga koreano.

pasensya na sa mga pictures.

receiving area. chika- chika with the caretaker

sa opisina


wedding attire ng mga clarin. medyo nakakatakot yung pagkakuha ko.hehe

regal shocker.

creepy yung lugar kasi matanda na. pero kung fan kayo ng old houses at antique furnitures katulad namin, siguradong mag eenjoy kayo. nakakaaliw pa yung caretaker. may restaurant/ coffee shop sa basement ng bahay a nagse- serve ng mga kakanin. the best ang sikwate nila! nakaka addict! ok lang naman ang presyo. di aabot ng 100 pesos ang pagkain. pagkatapos ng tour, nagmerienda muna kami. hinatid namin si jill sa bahay nila. pag uwi namin sa bahay, maaga kaming naghapunan at natulog dahil maaga kaming gigising dahil mag ha- hunt kami ng dolphins.hehehe

susunod: sigurado ka bang virgin to?