sa wakaaaas! nakarating rin kami! uminit ang mga ulo namin pagdating sa resort. pag itong resort na ito hindi maganda, mapipilitan kaming gumawa ng hindi magandang bagay; i.e. bombahin ang lugar.hehe.
pagmasdan si aya. pilit ang ngiti dahil gutom na.
pagpasok namin sa resort, napakatahimik. malamig ang hangin. nawalang bigla ang init ng ulo namin. pero gutom parin kami.hehe
unang ginawa namin ay syempre, nag unload kami ng gamit. tapos hinanap namin kung saan kami pwedeng magbayad. weird talaga kasi feeling namin kami lang ang bisita dun. may mga tables at benches pero walang tao. may mga tindahan pero sarado. napakatahimik talaga. huni lang ng mga ibon ang narinig namin. walang mga nag- uusap na mga tao, nagtatawanang mga bata. nakakabingi ang katahimikan.
bigla nanaman kaming napraning. what if ginawa nang kuta ng mga npa ang lugar na iyon? what if may psycho killer na pinatay lahat ng mga tao doon? o baka nagsara na ang resort. waaaaahhh!
sinubukan naming maghanap ng caretaker. inikot ni iroll at ice ang area ng falls at hotspring. ako naman, pinuntahan yung parang guest house nila. si eyado, binantayan ang gamit namin. in case may mga rebelde/ wild animal na dumating at nakawin/ kunin ang pagkain namin. sabi nila iroll, ok naman yung falls at hotspring. malinis naman. safe pag liguan.

ayan si eyado. nag iisa at walang makausap.
inikot na namin lahat ng pwede naming pag ikutan. tama pala ang feeling namin. naconfirm namin na wala talagang tao maliban sa aming apat. walang tao sa guest house. walang tao sa falls at hotspring. wala talaga.
talagang mas gusto ng grupo na kami lang ang tao sa mga lugar napinupuntahan namin pero exage talaga ito. apat lang kami. ang laki ng lugar. nakakatakot pa. parang yung mga typical na horror movies: apat na magkakaibigan. nagroad trip. nagpunta ng resort tapos malalaman nila na hunted pala o may baliw na caretaker na batong- bato sa life nya kaya pinapatay niya lahat mga mga nagpupunta doon o may ahas/ bwaya/ aso/ pusa/ uod/ ipis/ kuto o kung anong hayop na sobrang laki na kumakain ng tao o may isang sira ang ulo sa amin na pinlano ang lakad para mapatay nya ang mga kabarkada nya...
mamamatay lang kami sa takot at gutom kung paulit- ulit naming iisipin yun kaya naghanda nalang kami ng kakainin namin.

eto nangyari sa gulay na nabili namin sa digos. native salad with bagoong na may itlog na pula.
kompleto kami ng pagkain, may mainit na sabaw, salad, corned beef, lechon paksiw, at dessert na fruits! yum yum!
takot parin kami. parang super sensitive ang sense of hearing naming apat. pag may weird na sound katulad ng nahuhulog na dahon o sanga ng puno, bigla kaming hihindto at titingin sa direksyon na pinanggagalingan ng tunog. salamat naman at walang psycho killer/ wild animal na gumambala sa tanghalian namin. naubos ang pagkain namin except for the ramen. hindi namin masakyan ang taste ng mga hapon.hehe.
next post: busog na kami kaya liguan na!!!

No comments:
Post a Comment