Tuesday, January 9, 2007

liguan na!- year ender part 4

nung naglilinis na kami ng kinainan namin, may bigla kaming narinig na ugong ng makina ng sasakyan. pabirong humirit si eyado na baka yun na raw yung mga npa na nagtake over sa resort. tumawa lang kami pero ang totoo, medyo natakot kami. hindi malayong mangyari yun dahil marami talagang mga npa sa bansalan.

buti nalang, isang pamilyang sakay ng isang owner type jeep ang dumating. nakita naming may dalawang bata silang kasama. natuwa kami. at least may kasama na kami doon. syam na kami. haha!

LIGUAN NA!!!

ang una naming sinubukan ay ang hot spring. may malaking pool na may mainit na flowing water. malinis ang tubig dahil walang masyadong naliligo nung araw na iyon. kaming apat lang.hehe. nung nagmukha na kaming prunes sa tagal ng pagbabad sa mainit na tubig, lumipat naman kami sa falls.

cold shower

hot shower


first time kong (nikoy) maligo sa falls. marami- rami narin kaming fall na napuntahan pero ngayon lang ako talagang lumangoy, sumisid at naglaro/ nagtampisaw sa tubig. dati paa lang ang binabasa ko. tas patingin- tingin lang ako kina eyado at iroll na walang humpay sa pag dive at pag swim. kasi po, ayoko ng malamig na tubig. yung mga napuntahan namin dati ice cold ang tubig. pero dito sa batasan, hindi. lukewarm kasi malamig yung tubig na galing sa malaking falls. tapos sa gilid, may natural na very hot spring. ang galing talaga!


tingnan nyo dito sa picture sa baba, yung malaking falls, super lamig ng tubig. pero sa may left side, dun sa may mahabang kahoy, super hot ang tubig. almost boiling.

healthy merienda. pineapple and mangoes.hehe. kita nyo yung parang basin na bato sa likod in eyado, super hot water yun. tapos makikita mo yung tubig na parang kumukulo. tapos yung mga dinadaanan ng tubig nagiging yellow tas nag aamoy sulfur.


hindi nakontento si eyado sa merienda namin. tanong sya ng tanong kung may natira pa bang kanin at corned beef. may natira pero tinatamad na kaming mag prepare ulit ng kakainin ni aya (ilalabas nanaman naming yung mga pagkain tapos huhugasan nanaman pagkatapos. hindi panaman kami tinutulungan nung mga lalake naming ubod ng sipag). sabi ko sa labas nalang kami kumain. syempre para wala nang clean up. excited namang sinabi ni iroll na may alam syang pizza place na super sarap ng pizza...

next: mayroon ba kayong pepperoni pizza? wala po. garlic and cheese? wala rin po.

No comments: