Wednesday, January 10, 2007

last stop: kidapawan- year ender part 5

gutom si eyado. pag gutom si eyado, kailangan syang pakainin. pwede naman naming kainin ang natirang baon namin pero pagod na kami ni aya sa kakalangoy. tinatamad na kaming magprepare ng pagkain tapos maglinis at magtabi ng kinainan pagkatapos. nagsuggest si iroll na sa kidapawan nalang kami kumain. may masarap daw na kainan ng pizza doon. si eyado naman, hindi pa nakakapunta ng kidapawan kaya go na go sya.

bago makarating ng highway, may nadaanan kaming dairy farm. nagdecide kaming mag stop over muna doon para bumili ng cow's milk para mabawasan ang gutom ni eyado. pumunta kami sa kanilang processing area pero walang tao. naweirdan nanaman kami. kasi lahat nalang ng establishments na nakita namin papunta ng falls ay puro sarado. naghanap kami ng care taker. siguro naman meron no dahil farm yung pinuntahan namin. sa katatawag namin, may isang lalakeng sumilip. salamat naman! pero parang ayaw nya kaming ientertain. hindi kami tumigil sa kakasigaw at kakakaway sa kanya kaya nilapitan nalang nya kami. may babae ring sumunod. mag asawa daw sila. nakabili kami ng choco milk bars at isang bote ng honey.

nakipagkwentuhan muna kami sa care takers. tungkol sa ngo na nagpapatakbo ng dairy farm na iyon. may kilala pala si iroll na nagtatrabaho doon. kinwento rin namin na galing kami sa batasan falls at kami lang ang tao doon. tinanong namin kung marami bang nagpupunta doon. sabi nila, normally marami raw taong nagpupunta lalo na pag weekends. pero noong araw na iyon, nagtatago raw ang mga tao sa mga bahay nila. may chismis kasing may kulto on the loose na nang rerape ng mga babae, matanda man o bata, at tinatapyas ang mga boobs ng mga nagahasa nila.

***silence***

nagtinginan kami ni ice. oh my gulay.

kaya raw ayaw lumabas ng mga caretakers para ientertain kami. baka raw kasi miyembro kami ng kulto.

matapos naming maubos ang mga nabili naming milk bar at mashock sa revealation, dumiretso na kami ng kidapawan. syempre, naglock kami ng mga bintana at pintuan ng sasakyan.hehe.

***
after 30 minutes, kidapawan na kami. pagkadami dami ng mga tricycle. super to the max talaga. naconfuse tuloy kami. pati si iroll. nagbago na raw kasi ang itsura. 3 years ago pa pala sya naassign doon!

buti nalang natandaan pa ni iroll ang location ng boyd, simon and benedict's pizza house. pagpasok ng restaurant, umorder agad kami. dahil pizza house ang pinuntahan namin, pizza ang talaga ang oorderin namin. pagbigay samin ng menu, hinanap kagad namin ang pinaka malaki at pinaka special nilang pizza. nung tinuro namin sa menu yung pizzang gusto naming iorder, sabi nung waiter, wala raw sila nun. fine, ibang pizza nalang ang inorder naimin. wala rin daw yun. tinanong ko nalang kung ano meron sila. wala raw silang pizza noong araw na yun dahil naubusan daw sila ng cheese. anaknijanice! pizza house na walang pizza. dahil gutom na gutom na kami at wala na kaming lakas na magwala, umorder nalang kami ng pasta, garlic chicken at garlic bread. ang drinks namin, pepsi at seven up. wala rin daw silang softdrink. grrrrrrrr!! parang yung kanta ng parokya ni edgar na ordertaker: may menu nga pero wala sila nung mga pagkaing nakalista sa menu. ibang klase talaga. sige iced tea na nga lang.

nawala ang galit namin pagdating ng garlic bread. super sarap (o gutom lang kami). yung pasta, normal. medyo matabang. pero dahil gutom kami, kahit kabayo, kakainin namin. malapit nang maubos yung pasta namin nang may nakita akong pagkalaki- laking bloke ng cheese. tinawag ko kagad ang waiter. tinanong ko kung pwede na bang umorder ng pizza, total may cheese na sila. pwedeng pwede na raw. hallelujah! dahil medyo busog na kami, double beef and mushroom pizza with extra cheese nalang ang inorder namin.

while waiting for the pizza...
ang tunay na spice girl.

dumating yung pizza nang maubos namin ang chicken namin. pero the looong wait was soo worth it. ang sarap ng pizza!

tuwang- tuwa si ice at eyado at ako syempre.



bundat na bundat kami pagkatapos kumain. 550.00 ang binayaran namin. cool na yun. marami naman yung nakain namin. matagal lang ang service.hehe. pero oks lang yun. mababait naman kami.hehe.

nung pauwi na kami, pinatugtog namin ang overdrive ng eraserheads. bagay kay eyado yung kanta. parang nasobrahan talaga sya sa drive nung araw na iyon.hehehhehe.

happy new year sa ating lahat!

7 comments:

Anonymous said...

hello from Belgium
best wishes for new year 2007

http://laracroft3.skynetblogs.be
http://lunatic.skynetblogs.be

Lalique :)

Anonymous said...

wow naay taga belgium.. can we invite her or him to establish an ukaya fan club in belgium?

Ukaya Explorer Nikoy said...

lagi, murag pwede najud iroll.hehe

Anonymous said...

Grabr naman ang kwento ng kulto na yan. Anong ginagawa nila sa natapyas na boobs?

Mukhang enjoy kayo dyan ah. Di pa ko nakakatapak mindanao, Hopefully some time in the future.

Salamat sa pagbisita :D

Ukaya Explorer Nikoy said...

hehe. hello ferdz. thanks for dropping by.

tungkol sa boobs, kinokolekta nila. may quota kasi sila. pag nareach na ang target, lalagyan sila ng tattoo na vagina. weird no.hehe

sabi ka lang if ever you're in davao, we'll give you a mini tour.hehe

Anonymous said...

wow ha! may nagkainteres sa kwento ng kulto na nananapyas ng boobs. ang latest news, may nahuli na daw na isang member ng kulto. pati mama ko ay natakot ng umuwi sa probinsya namin kung saan nakarating na din ang kulto na yan.

Anonymous said...

interesante yung topic about the cult though i am equally interested in the mentioned pizza house (big haha, just love pizza kasi). kidaps is one of the few places in mindanao na di ko pa napuntahan...soon, pag napadpad ako dun will come to simon's hehehe (hopefully very soon)