Thursday, May 17, 2007

sagad sa init

baclayon church

sinundo namin si jill (pinsan ni eyado) sa bahay nila. sya ang aming designated tour guide nung araw na iyon. first stop: baclayon church.

we were really looking forward to visiting old churches. mahilig kasi kaming lahat sa old structures/ architecture. our visit to baclayon was a real treat. ok na ok sana kung hindi sobrang dami ng tao. as in bus- bus na mga koreano. may burol na nga sa simbahan e ang gugulo pa nila. nakikipicture pa talaga sila sa may coffin. heller.

anyway, isa sa mga pinaka matatandang simbahan sa pilipinas ang baclayon. sa tabi ng church, may convent at may museum. gusto rin sana naming pumunta sa museum kaya lang sarado.

here are some of the pictures we took:

bell tower. kulang nalang si quasimodo.


madilim talaga sa loob. di kaya ng camera ko.

kasama si jill. ang ganda ng buong structure ng simbahan. di mapigilan na magpapictures sa may arches kahit na may hearse sa tabi.hehe


kami yung nasa grey na kotse (na care of eric.hehe. eric, maraming salamat talaga!)

sobrang init at sobrang dami ng tao. di na kami nagtagal dahil gusto naming makatakas sa kaguluhan.

loboc

syempre naman, nasa bohol kami kaya dapat talagang makakain kami sa floating restaurant.

museo de loboc. nasa may loboc river lang ang museum. pero di nakami pumasok.

medyo malamig- lamig na sa hintayan ng mga bangka. at least, nabawasan ng kaunti ang init ng ulo namin. pero bumalik nanaman ang init nung nakakita kami ng isang bus ulit na mga koreano na dumating sa loboc. sobrang dami nanaman ng tao. hay nako. di talaga maiwasan dahil april nagdadagsaan ang mga turista sa bohol.

280 ang rate per head, inclusive of buffet lunch. ako na ang magsasabing hindi masarap ang pagkain. hindi sulit ang binayad namin sa pagkain. pero sabi nga ni eyado, ang experience ang binabayaran namin. ok fine. in fairness, naaliw ako sa singer/ guitarman ng bangkang sinakyan namin. at napakaganda ng tubig, green na green.



eto ang huling matinong picture ng camera ko. and the cam is history.

walang pictures sa mga simbahang nadaanan namin papunta ng chocolate hills. wala ring pictures sa man made forest dahil nasira ang camera ko sa sobrang init! ok naman ang settings uminit rin ng todo ang ulo ko dahil ang pinakamamahal kong camera ay nasira! nasira! NASIRA!!! wala akong pictures ng tarsiers dahil nag give up ang camera ko sa init!

si jill naman, cool na cool parin. syempre, taga bohol. sanay sa init.hehe. sabi nya ipapahiram nalang muna nya camera nya. cool! natuwa naman kami. pero syempre, problemado parin ako sa camera ko.


chocolate hills

pagdating namin sa lugar, nabigla kami sa sobrang dami ng tao. sa sobrang dami, parang lulubog na yung lugar. ang init pa. napaka init. para kaming iniihaw. pawis na pawis kami. mas lalo pang uminit ang ulo ko dahil ang dami nanamang koreano. ang gulo nila. para silang mga langgam na ini- ispreyan ng insecticide.

ok naman yung lugar. di lang talaga kasing ganda ng inexpect ko. pero si ice at natash, natuwa naman sila. parang hindi lang talaga kompleto ang bisita nila doon dahil walang ebidensya na galing sila sa chocolate hills.

tahimik kaming lahat sa sasakyan papunta sa next destination namin. dahil disappointed sina natash at ice. excited pa naman talaga silang magpapicture sa chocolate hills. ako naman, nanghina dahil nga sa init at sa camera ko. pangalawang araw palang namin sa bohol, wala na kaming camera. marami pa naman kaming pupuntahan. si eyado, pagod sa pagmamaneho. si iroll naman nakatulog sa sobrang init.

Tarsiers

bohol = tarsier kaya talagang dinayo namin ang tarsier park. ang dami nanamang koreano. nakakainis dahil may karatulang nakalagay na SILENCE PLEASE, TURN OFF THE FLASH ON YOUR CAMERA, NO HANDLING OF TARSIERS e sobrang ingay pa nila. nilalamutak nila yung mga tarsier at matapos hawakan, sisigawan pa. kawawa talaga yung tarsiers, pinagtulungan ng mga koreano. ang liwanag pa ng mga flash ng camera nila. parang nananadya. tapos sinabihan na nga sila nung caretaker ng tarsiers na wag maingay, at wag hawakan yung mga kawawang hayop e no effect talaga. dapat sa mga dayuhang ganon e ikulong! hay nako. ewan!

clarin ancestral house

nang nakita ko ang super tandang bahay ng mga clarin (naging senador daw si olegario clarin nung unang panahon.hehe), medyo bumuti ang aking pakiramdam. ang ganda ng bahay. antique ang mga gamit. at higit sa lahat, walang mga koreano.

pasensya na sa mga pictures.

receiving area. chika- chika with the caretaker

sa opisina


wedding attire ng mga clarin. medyo nakakatakot yung pagkakuha ko.hehe

regal shocker.

creepy yung lugar kasi matanda na. pero kung fan kayo ng old houses at antique furnitures katulad namin, siguradong mag eenjoy kayo. nakakaaliw pa yung caretaker. may restaurant/ coffee shop sa basement ng bahay a nagse- serve ng mga kakanin. the best ang sikwate nila! nakaka addict! ok lang naman ang presyo. di aabot ng 100 pesos ang pagkain. pagkatapos ng tour, nagmerienda muna kami. hinatid namin si jill sa bahay nila. pag uwi namin sa bahay, maaga kaming naghapunan at natulog dahil maaga kaming gigising dahil mag ha- hunt kami ng dolphins.hehehe

susunod: sigurado ka bang virgin to?

15 comments:

Anonymous said...

Nakupo. Kahit ako as much as possible iniiiwasan ko makasabay yang mga bus loads of koreans. Ang iingay nila at ang dami. Kahit saang lugar o bansa andun sila! Kawawa naman yung tarsiers, na torture nila.

Anyways, gustong gusto ko rin yang Baclayon Church. Isa sa pinaka magandang simbahang interiors na nakita ko. Sana ok na yung camera mo.

Ukaya Explorer Nikoy said...

hi ferdz! haha. korean invasion na ba talaga to?!hehe

ang ganda nga talaga nung simbahan. hindi nabigyan ng justice ng mga pictures namin ang kagandahan ng baclayon.

yung camera ko naman, wala na. 8700 ang pagawa. bibili nalang siguro ako ng bago. hahay. matagal tagal ko rin tong pag iipunan.hehe

Anonymous said...

:D Funny the comments about Koreans! I bleep, bleep, bleep...them. You konw what I mean. :)

Sidney said...

Looks like you had a great time with your friends. I really want to visit those places!

Anonymous said...

bohol again
hope to be back there someday

same comment here about koreans :(

Errol - Fox Ninja said...

cool nikoy.. what a memory.. laag na pud ta usab..

Ukaya Explorer Nikoy said...

hi teacher julie! haha. yup, i think i know what you mean. and we fell the same way about them.hehe

hi sidney. yup we had a blast. you should visit bohol. i'm sure you'll be able to get great photos there.

hi tutubi. thanks for visiting.

hoy iroll! lagi, laag ta usab! kanusa kaya? na miss na tika!

Anonymous said...

si errol ba..asa na kaha ni sya nag tago tago...hehehe..laag ta errol ug niki..

Anonymous said...

wow may exploration group pa talaga. ingats sa mga susunod ninyog paglalakbay..

salamat sa pagbisita. ^_^

Anonymous said...

hello ymir!
wow may kasangga pala kaming mambabasa ni bob ong..hehe! oo may kumpleto kaming koleksyon ng 5 aklat ni bob,,,wehehehe!welcome sa travelblog namin. bisita ka uli..:)

Anonymous said...

masakit talaga ang masiraan ng camera sa gitna ng kasarapan sa photo-shooting!, naranasana ko na rin kasi yan eh... :-)

Lime said...

this is reality..cebu has been invaded by koreans...
pero i think sa davao di ganun kadami ang mga koreans...dito sa cebu korean na ang mga nakatira and tourista naman ang mga pinoy..
nice pics shizu..ang ganda ng pagkakakuha mo sa loboc river..
nung pumunta kami dun hindo ganyan ka green yung river kasi umulan..

Anonymous said...

korek!super dami nga ng koreans sa cebu. pati mga condominiums, korean rules..hehehe.

sayang ala ko pictures sa cebu tong nag adto ko..wala man gud ko camera and its not ukayatravel also..hehehe!

hope niki and i will have anew camera soon..thats our silent scream.

Anonymous said...

ayos to ah... bigyan nyo naman ako ng buong iterinary nyo dito sa bohol, eto ang next destination namin next year... :)

Ukaya Explorer Nikoy said...

hello everyone! salamat sa pagcomment.

lino. hay nako. marami pa kaming pinuntahan. wala lang akong oras na magupdate. pero balang araw. next week siguro, makakapag upload ako ng pics at makaka gawa ako ng entry.hehe