nakisabit si tisha, ang nakababatang kapatid ni nikoy, sa grupo. ayos lang naman samin yun. the more the merrier. nagtaxi lang kami papunta ng home for the aged. napagalitan pa kami ng driver dahil lima kami. apat lang daw kasi ang maximum passengers nila. at isa pa, hindi namin alam kung saan yung shelter.hehe. nha buhangin lang ang binigay na landmark nung nakausap ni nikoy. pero sa awa ng dyos, nahanap rin namin.
***
pagdating palang namin sa shelter, sobra na ang pasasalamat na natanggap namin mula sa mga tao. papasok palang kami ay puro "salamat" na ang narinig namin. medyo naweirdan kami dahil ang liit na bagay lang ng pag dala ng merienda para sa kanila.
****
inayos kagad namin ni ice ang pancit na naka styrofoam, fork and spoon na individually packed- care of the boys, jelly rolls, softdrinks at mga baso para makakain na ang aming "guests". medyo nagkahiyaan pa kami pero pagkatapos naming magdistribute ng pagkain, nagsimula na ang fun part. nakipag socialize na kami sa mga taga shelter.
at eto ang mga ebidensya.hehe:
etong si lola, tinuruan si nikoy at tisha kung paano magtanim ng langka, avocado at durian. busy naman silang dalawa sa pakikinig.
photo by ice
photo by ice
si lolo mahilig magvideoke. tuwang tuwa naman si nikoy at ice dahil mahilig rin sila sa kantahan. kaya lang ang type ni lolo yung are you lonesome tonight ni elvis.
photo by iroll
si lola, kinantahan sina iroll at nikoy ng birthday song in spanish.
photo by ice
photo by ice
si lola, mahilig sa anthropological at sociological books. buti nalang anthropology ang course ni tisha at si eyado naman, social science.
photo by nikoy