as promised, eto ang sobrang pinagisipan na contribution ni ice with comments from myself.hehe
- Salad - ang official food sa Seagull adventures ( summer 2006 )
may malaking lugar ang salad sa aming mga puso at mga tiyan. nagsimula ito noong 2006 dahil sa sobrang dami ng gulay sa lugar na nadaan namin papunta ng seagull. ito ay ang brain child ni nikoy. actually, ginaya nya ang recipe ng isa sa mga paboritong eating places ng Ukaya sa downtown davao, ang MAJID'S PERSIAN KABAB. madali lang itong gawin. kailangan mo lang ng diced na seedless na pipino, kamatis, sibuyas, at hiniwang lettuce. paghaluin sa isang malaking bowl, pigaan ng kamatis at budburan ng kaunting asin. ganoon lang kasimple. it goes well with salted egg and of course, corned beef.
- Fresh Milk - pampakalma ng Ukaya
matapos naming malaman ang tungkol sa kultong nanggagahasa ng mga babae at nananapyas ng suso (na ayaw na naming isipin muli kung gusto ninyo ang complete details, eto ang link: last stop: kidapawan- year ender part 5), ito ang ininom namin para mabawasan ang mga takot namin sa aming mga katawan.
- Caves - ang favorite place ng Ukaya para hanapin si relevance, assessment, at evaluation
kapag kami confused, kami ay nageexplore ng caves. baka kasi nagtatago lang doon ang mga importanteng concepts na related sa development. hanggang ngayon, hindi parin namin sila natatagpuan.
- Waterfalls - ang achilles heel ng Ukaya
kung ang ibang adventurers mahilig umakyat ng bundok, ibahin nyo kami, waterfalls ang trip namin. pag may nakapag bigay ng tip sa amin kung saan may magandang waterfalls, siguradong pupuntahan namin ang lugar na iyon.